hmm..
August 17th, 2008 by gorjuzk8it seems i have forgotten how to write good poems..
does this mean contentment? the way ive gained weight, they say, is contentment..
as much as i want to write, i cant find a way to start..
the fact is, ive been misisng a lot lately..
i need to catch up with almost everything..
work..friends..myself..music..
haay..
ngayon, huminto nanaman ang oras..
na tila ayaw kong harapin ang umaga..
ala una na ng madaling araw..
sa kagustuhan kong magmadali,
ay lalo akong nahuhuli..
iniisip ko kung hindi ako naging ako..
ano kaya ang naging buhay ko..
iniisip ko ang mga dating kalaro,
asan na kaya sila.. san na sila napadpad..
kung bakit gusto ko silang alalahanin,
wala lang, gusto ko lang malaman kung kamusta na sila..
pero habang nagiisip, tinatanong ko din
kung bakit pa ako gising..
kung bakit kelangan ko itong gawin..
nakakainggit ang mga taong tulog na..
buti pa sila, nananaginip na..
gusto ko din sanang makarating sa bulaklakang kapatagan..
pangarap kong matanaw ang sinag ng araw,
nang hindi nadarama ang kanyang init at silaw..
napansin ko lang na dilat pa ako,
ngunit ang diwa’y naglalaro na kung saan..
alam kong ngayon lang ito,
habang may oras pa..
bukas haharapin ko nanaman ang umaga..
ang totoong mundo ay gigisingin ako..
kung ako man ay makatulog..
sa tingin ko hindi naman..
haay, minsan nakakapagod ding mabuhay..
pero kahit magreklamo,
alam ko namang malalampasan ko ito..
kelangan ko lang siguro ng karamay..
sa lahat ng gising pa..
mabuhay tayong lahat..